Best Lesson Plan with Instructional Material

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

I. Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nauunawaan ang kahulugan ng konsepto ng migrasyon;
2. naipaliliwanag ang iba’-ibang kadahilanan kung bakit nagaganap ang migrasyon;
3. nakagagawa ng slogan hinggil sa pangkalahatang obserbasyon ng konsepto at dahilan ng migrasyon.


II. Paksang Aralin
A.    Paksa :            
Yunit II : Mga Isyung Pang-ekonomiya
Aralin 3: Migrasyon
Migrasyon : Konsepto at Konteksto
B.     Sanggunian :  
 Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Araling Panlipunan 10 Learning Module
     C. Mga Materyales:
1. Mga kagamitang biswal


III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO
GAWAIN NG MAG-AARAL
A.     Paghahanda
Magandang araw sa inyong lahat!

Tumayo ang lahat at tayo ay manalangin.

Bago umupo ang lahat ay iayos ang lahat ng upuan at siguraduhing malinis ang tapat ng paligid.
Magandang araw din po!

Amen.
1.      Pagtatala ng Liban
2.      Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating aralin, tayo ay magbalik aral muna sa ating nakaraang paksa. Ano ba ang ating paksang tinalakay nung nakaraan?



Magaling! Saan ba tumutukoy ang mga isyu ng paggawa?









Mahusay! Paano nakaaapekto ang mga suliranin o isyung ito sa paggawa?






Mahusay! Bilang paglalapat, ano ang malaking epekto ng ating paksang pinag-aralan sa ating pamumuhay?



Pinag-aralan po natin ang paksa tungkol sa mga Isyung kinakaharap ng bawat manggagawa saanmang panig ng mundo.


Ito po ay tumutukoy sa mga mababang pasahod po na minsang nagiging dahilan kung bakit nagagawang mangibang-bansa ang mga Pilipino. Gayundin po ang pagkakaroon ng kontraktwalisasyon po sa pagtratrabaho sa loob lamang ng ilang buwan at walang kasiguraduhan kung ito ay mauulit pa.


Ang mga suliranin pong ito ay nakaaapekto sa kanilang paggawa sa kadahilanang ang sangkot sa mga isyung ito ay sila mismo. Ito po ang nagdidikta kung ang paggawa ng isang manggagawa ay mayroong magandang dulot sa kanyang trabaho.


Naging daan po ito ng pagbubukas ng ating mga isipan sa lahat ng mga isyu at problemang kinakaharap ng bawat manggagawang Pilipino sa loob o labas ng bansa.
3.      Motibasyon
“OPEN THE BASKET!”
Bago natin simulan ang ating pagtatalakay sa paksa, tayo muna ay magkakaroon ng munting palaro na ating tatawaging Open the Basket!

Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang grupo, bawat grupo ay magkakaroon ng 2 kinatawan. Sa pagsisimula ng ating laro, mayroon tayong makikitang mga bilog sa sahig. Kapag mayroon ng magpartner ang nataya, sila ay sisigaw ng Open the Basket at ang mga kinatawan na magpartner ay mag-uunahan sa pagpunta sa mga bilog. Ang magpartner na hindi nataya o pinakambaba ang bilang ng pagkataya ay bibigyan ng puntos.

B.      Pagtatalakay
Batay sa ating naging laro, mayroon ba kayong ideya kung ano ang paksang ating pag-aaralan?




Mahusay! Ang ating pag-aaralan ay paksang may kaugnayan sa pag-alis o paglipat ng isang tao patungo sa ibang lugar. At ito ay ang tinatawag nating Migrasyon. Mayroon ba kayong ideya kung ano kahulugan ng migrasyon?




Mahusay! Ang Migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng isang tao o grupo ng tao mula sa isang lugar o teritoryong pulitikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. Mayroong mga kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng Migrasyon. Mayroon ba kayong mga ideya kung bakit nagkakaroon ng Migrasyon?






Tama! Ang mga kadahilanang ito ay nakabatay sa pangyayari o mga sitwasyong nakaaapekto sa pamumuhay ng isang tao. Una na sa dahilang ito ay ang hanapbuhay. Paano ba nagkaroon ng ugnayan ang hanapbuhay at migrasyon?







Magaling! Ang hanapbuhay at migrasyon ang mayroong malaking kaugnayan dahil may mga trabaho na sa ibang lugar mo lamang mahahanap at ito ay maaaring makapagbigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay. Ang ikalawang dahilan ay ang paghahanap ng ligtas na tirahan. Maaari nyo ba itong ipaliwanag?





Magaling! Masasabi natin na nagkakaroon ng migrasyon kapag ang isang tao o pamilya ay nakatira sa lugar na maaaring makapagdulot sa kanila ng kapahamakan o disgrasya, ang kanilang magiging solusyon ay umalis na lamang rito at humanap ng mas ligtas na lugar o tirahan. Ang susunod naman na kadahilanan ay ang panghihikayat ng kapamilya o kamag-anak. Paano ito nakakakaapekto sa migrasyon?






Tama! Ang panghihikayat ng kapamilya o mga kamag-anak na nasa ibang lugar ay isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon ng migrasyon. Isang halimbawa nito ay kapag ang isang miyembro ng inyong pamilya ay nagtatrabaho sa ibang bansa, darating ang punto na gugustuhin na rin nila na ikaw ay doon na rin manirahan at ito ang dhilan kung bakit nagkakaroon ng migrasyon. Ang huling dahilan ay ang pag-aaral. Sa paanong paraan ito naging dahilan ng migrasyon?




Mahusay! Ang pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng migrasyon katulad na lamang ng paglipat ng tirahan kung saan mayroong accessible na paaralan.
Sa pag-aaral ng Migrasyon, mahalagang maunawaan natin ang ilang mahalagang termino na ginagamit sa paksa. At ito ay ang Flow at Stock. Mayroon ba kayong ideya kung ano ang mga ito?




Magaling ! Ang Flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon. Madalas din itong gamitin sa mga salitang inflow, entries or immigration. Kasama rin dito ang mga bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang  emigration, departures or outflows. Ano naman ang kahulugan ng stock?



Magaling! Ang Stock ay tumutukoy sa bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. Ngayon naman ay ating pag-aaralan ang iba’t-ibang obserbasyon ukol sa migrasyon. Una ay ang Globalisasyon ng Migrasyon. Saan ba ito tumatalakay?


Mahusay! Bunsod ng globalisasyon, tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang madalas puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Ang ikalawa ay ang Mabilisang paglaki ng migrasyon. Bakit kaya ito nagaganap?



Tama! Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang implikasiyon nito sa mga ipinatutupad sa isang bansa. Ang ikatlong obserbasyon, ay ang pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon. Ano ang maaaring kahulugan nito?




Mahusay! Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour migration. Ang iba pang uri nito ay tinatawag nating irregular migrants, temporary migrants at permanent migrants.Ang susunod ay ang  pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal. Paano mo ito bibigyang kahulugan?




Mahusay! Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito. Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon. Ang huling obserbasyon ay ang Peminisasyon ng migrasyon. Kapag sinabi nating peminisasyon ay may kaugnayan sa kababaihan. Ano ang maaaring kahulugan nito?







Mahusay! Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at refugeesay binubuo halos ng mga lalaki.

Sa atin pong naging laro, maaaring ang atin pong paksa ay may kinalaman sa paglipat ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa iba pang lugar.






Sa akin pong pagkakaalam, ang migrasyon po ay mayroong kaugnayan sa paglipat o pag alis sa isang lugar patungo sa iba pang lugar.







May mga pagkakataon po na ang migrasyon ay nagaganap dahil na rin sa pangangailangan at kagustuhan ng tao sa iba’t-ibang sitwasyon na nakakaapekto sa kanyang buhay.






May malaking kaugnayan po ang hanapbuhay at migrasyon. Halimbawa na lamang po ang isang nagtratrabaho sa isang kompanya ay mapapadala sa ibang lugar, kailangan po na sila ay lumipat ng tirahan kung saan sila iaassign ng kanilang trabaho.







Isang halimbawa po nito ay bahay po ng isang pamilya ay mayroong giyera o malapit sa sakuna, ang gagawain po nila ay lumipat o umalis na lamang po roon at lumipat na lamang sa ibang bahay.









Halimbawa po nasa magandang lugar po ang mga kamag-anak nyo, tapos po ang gusto nilang mangyari ay doon na lamang po sila tumira, kaya po hihikayatin nila ang kanilang mga kamag-anak o kapamilya.










Nagiging dahilan po ng migrasyon ang pag-aaral kapag ang isang tao ay lumipat ng lugar kung saan mayroong malapit na paaralan upang siya ay makapag-aral.









Ang flow po ay tumutukoy sa mga nandarayuhang pumapasok o lumalabas po sa isang bansa.








Samantala po ang stock po ay bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.






Sa akin pong palagay, ang globalisasyon po ay isang dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng migrasyon.









Ang pangyayari pong ito ay maaaring dahil rin po sa pagpasok ng globalisasyon sa isang bansa.






Kapag sinabi po natin na may pagkakaiba iba sa uri, ibig pong sabihin nito ay mayroong iba pang uri ng migrasyon na nasa loob ng isang bansa.








Ang migrasyon bilang isyung politikal po ay nangangahulugang ang pamahalaan ay mayroong gampanin ukol sa migrasyon.










Ito po ay nangangahulugang sa usaping migrasyon, mayroon na pong kaugnayan ang mga kababaihan rito. Kung noon po ay halos puro lalaki ang nasa paggawa, nagyon po ay parte na rin ang mga kababaihan rito.
                                                          
C. Paglalagum
1. Paano mo mabibigyang kahulugan ang konsepto ng migrasyon?
2. Paano mo maipaliliwanag ang iba’t-ibang dahilan ng migrasyon?
3.  Ano-ano ang mga pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon.
D. Paglalapat
            Ang bawat mag-aaral ay lilikha ng isang slogan na mayroong kaugnayan sa paksang Migrasyon. Maaaring ito ay may kinalaman sa :
1. Konsepto ng Migrasyon
2. Dahilan ng Migrasyon
3. Pangkalahatang Obserbasyon ukol sa Migrasyon.
            Ang ililikhang slogan ay nararapat na nakabatay sa ugnayan nito sa paksa.
IV. Pagtataya
            Sa isang buong papel, bigyang-katwiran ang mga sumusunod na dahilan kung bakit lumilikas ang mga tao pansamantala man o permanente;
a. Hanapbuhay
b. Paghanap ng ligtas na lugar
c. Panghihikayat ng mga kamag-anak o kapamilya na nasa ibang bansa
d. Pag-aaral
V. Kasunduan
            Magsaliksik kung ano ba ang mga Perspektibo at Pananaw ng Migrasyon. Gamit ang sariling pananalita, ipaliwanag kung ano ang kahulugan ng bawat pananaw na ito.












This Lesson Plan is the one I could say my Best Lesson Plan. This Lesson Plan was the one who put me into success. I used this in my Final demonstration teaching. The topic is about "MIGRASYON". Also, these instructional materials are the one I used in my demo. I could say that these are product of my hard work, time, and perseverance. 

Comments

  1. Maaari ko bang gamitin ang iyong lesson plan sa aking pagdemo ngayong ika 20 ng marso 2019? Salamat sa iuonv katugunan.

    ReplyDelete
  2. Hihingi po sana ako ng pahintulot na gamitin ang inyong banghay aralin sa para sa aking observation.

    ReplyDelete
  3. pwedo po bang magamit itong lesson plan nyu sa aking pag dedemo ..Salamat po

    ReplyDelete
  4. ma'am pwedi dn po magamit for demo thank you po

    ReplyDelete
  5. Pwede po bang magamit para sa demo maam?

    ReplyDelete
  6. Hi po. Maaari ko po bang gamitin ito para sa aking demo? Maraming Salamat

    ReplyDelete
  7. Magandang umaga po, pwede ko bang malaman kung anong teaching method ang gigamit dito?

    ReplyDelete

Post a Comment