Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
10
Unang Araw
I.
Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Nalalaman ang mga dahilan ng mga pagbabago
sa sektor ng paggawa na dulot ng globalisasyon.
2. Nasusuri ang iba’t-ibang katangian at
kakayahang makaangkop sa Globally Standard na pagagawa.
3. Natataya ang Apat na Haligi para sa isang
disente at marangal na paggawa.
II.
Paksang Aralin
A.
Paksa :
Aralin 2: Mga Isyu sa Paggawa
Ang Globalisasyon at mga Isyu sa
Paggawa
B. Sanggunian :
Kontemporaryong
Isyu at Hamong Panlipunan
C.
Mga Materyales:
1.
Visual Aids
2. Laptop
3.
Projector
III. Pamamaraan
GAWAIN
NG GURO
|
GAWAIN
NG MAG-AARAL
|
A.
Paghahanda
|
|
Magandang
araw sa inyong lahat!
Tumayo
ang lahat at tayo ay manalangin.
|
Magandang
araw din po!
|
1.
Pagtatala ng Liban
|
|
2.
Pagbabalik-aral
|
|
Bago
tayo dumako sa ating aralin, tayo ay magbalik muna sa ating nakaraang paksa.
Ano nga ba ang ating paksang tinalakay nung nakaraan?
Tama!
Saan ba tumutukoy ang Globalisasyon?
Paano
ito nakatutulong sa ekonomiya ng isang bansa?
|
Pinag-aralan
po natin ang paksa tungkol sa globalisasyon.
Ang
globalisasyon po ay tumutukoy sa proseso ng mabilisang paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasiyon at produkto sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Mas
napabilis po nito ang paraan ng pakikipagpalitan o kalakalan ng mga produkto
at serbisyo at nakatulong sa pagbubukas ng panibagong oportunidad sa lahat ng
manggagawa.
|
3.
Motibasyon
|
|
Picto-nalysis!
Pagpapakita
ng mga larawan na nakabatay sa larangan ng paggawa at kailangan na mahulaan
ito ng mga mag-aaral.
|
|
B.
Pagtatalakay
|
|
Batay
sa ating naging laro, mayroon ba kayong
ideya kung ano ang paksang ating tatalakayin?
Magaling!
Ang ating paksa ngayon ay tungkol sa mga Isyung kinakaharap ng bawat
manggagawang Pilipino.
Matapos
nating pag-aralan ang Globalisasyon, masasabi nating malaki ang pagbabagong
idinulot nito hindi lamang sa buong daigdig kundi maging sa pang-araw-araw
nating pamumuhay. Maaari ba kayong magbigay ng ilang halimbawa nito?
Mahusay!
Ilan lamang yan sa mga naidulot sa atin ng globalisasyon ngunit kaakibat nito
ay ang mga hamon kung papaano tutugunan ng pamahalaan ang mga suliranin sa
lipunan na napag-iwanan ngunit hindi lubusang natutugunan katulad ng isyu sa
paggawa.
Ngunit
maging sila ay humaharap sa iba’t-ibang suliranin at hamon sa paggawa tulad
ng mababang pasahod, at kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya dahil
sa kontrakwalisasyon at ang problema sa Job Mismatch. Alam nyo ba ang mag
suliraning ito?
Magaling?
Ang ilan sa mga maaaring dulot ng globalisasyon sa Paggawa ay ang :
Una:
demand ng bansa para sa iba’t-ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng
globally standard.
Pangalawa:
Mabigyan ng pagkakataon na ang mga lokal na produkto na makikilala sa
pandaigdigang pamilihan.
Pangatlo:
Hinayaan ng globalisasyon na makapasok ang iba’t-ibang gadget, computer/IT
programs, complex machines at makabagong kagamitan sa paggawa.
Bilang
isang Pilipino, naniniwala ka ba na ang bawat Pilipinong manggagawa ay tanyag
sa buong mundo?
Tama!
Ilan lamang sa katangian iyan ng mga Pilipino kung bakit tayo ay kilala sa
buong mundo. Bukod pa rito, hamon rin ng globalisasyon ang pagpasok ng
Pilipinas sa mga kasunduan sa dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 at
mga agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Sa inyong
palagay, makatutulong ba ito na makaangkop ang Pilipino sa Globally standard
?
Mahusay!
Ito ay magsisilbing daan upang mas mapaunlad ang mga kakayahan na papasa sa
mga katangiang hinihingi ng bawat trabaho saan man sa mundo.
Ilan
sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo ay ang Media and Technology Skills,
Learning and Innovation Skills, Communication Skills at Life and Career
Skills. At ito ay napapaloob sa tinatawag nating Senior High School. Sa
paanong paraan ito makatutulong?
Ayon
sa DOLE, mayroon tayong tinatawag na Apat na haligi para sa isang disente at
marangal na paggawa. Una rito ay ang Employment Pillar. Dito ay
kinakailangang tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at
pantay na oportunidad sa paggawa. Ikalawa ay Worker’s Right Pillar. Dito ay
naglalayong palakasin at siguruhin ang mga batas sa karapatan ng manggagawa.
At ikatlo ay Social Protection Pillar. Ang mga sangkot sa paggawa ay gagawa
ng mekanismo upang mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawa at ang huli ay
Social Dialogue Pillar. Kailangan ay palakasin ang laging bukas na
pagpupulong ng pamahalaan at mga mangagawa. Batay sa Apat na haligi, ano ang
magiging epekto nito sa bawat manggagawa?
|
Ito
po ay tungkol sa mga isyung may kinalaman sa paggawa.
Nagkaroon
po ng pagbabago sa gawi o mga paraan kalakalan ng mga produkto at serbisyo.
Dinulot
po ng globalisasyon na maging global competitive ang bawat isa at makasabay
sa pagbabago ng buong mundo.
Mas
nagbukas poi to ng maraming oportunidad sa bawat manggagawa saan mang bansa.
Ang
mababang pasahod po ay minsang nagiging dahilan kung bakit nagagawang
mangibang-bansa ang mga Pilipino. Samantala pong ang kontraktwalisasyon po ay
ang pagtratrabaho sa loob lamang ng ilang buwan at walang kasiguraduhan kung
ito ay mauulit pa.
Kailangan
daw po na ang kakayahan ng mga manggagawa ay makaabot sa mga standard upang
makisabay sa pag-unlad ng kakayahan sa buong mundo.
Dulot
po ng globalisasyon, mas pinadali po ang kalakalan kaya madali nap o ang
mag-import at mag-export ng mga produkto at serbisyo sa ibat-ibang panig ng
mundo.
Sa
tulong po ng globalisasyon, marami na pong makinaryang ang nagawa para mas
mapabilis at makatulong sa larangan ng paggawa.
Opo,
naniniwala po ako dahil sa pagkakaalam ko, maraming Pilipino ang nagtatrabaho
sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Naniniwala
po ako dahil marami sa Pilipino ay kilala ng ibang bansa at mas pinipiling
sila ang kunin bilang empleyado dahil likas sa bawat Pilipino ang maging
masipag, matiyaga at may dedikasyon sa lahat ng ginagawa.
Sa
akin pong palagay, malaki po ang maitutulong nito na mas mapabuti at
madevelop ang kakayahan ng bawat Pilipino para po makasabay sa mga katangian
ng pagiging Global Competitive.
Ang Senior
High School po ay makakatulong sa lalong paghasa ng kakayahan at talino ng
bawat mag-aaral. Nakapokus po ito sa pagtatatag ng mas malaking oportunidad
para mahasa ang kakayahan ng bawat isa.
Mas
magkakaroon po sila ng kasiguraduhan sa kanilang trabaho at mas
mapangangalagaan ang lahat ng kanilang karapatan at pangangailangan.
|
C.
Paglalagum
1. Sa paanong paraan nababago ng
globalisasyon ang sektor ng paggawa?
2. Paano
nagiging isang Globally Competitive ang isang manggagawa?
3. Bakit nakatutulong ang apat na haligi ng
disente at marangal na manggagawa?
IV.
Pagtataya
Sa isang buong papel, sagutin ang katanungan.
·
Anong
katangian ang mayroon ka na masasabi mong ikaw ay papasa sa Global Standard?
V.
Kasunduan
Magsaliksik ukol sa paksang kalagayan ng mga manggagawa
sa :
1.
Sektor ng Agrikultura
2.
Sektor ng Industriya
3.
Sektor ng Serbisyo
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
10
IKALAWANG ARAW
I.
Layunin
Sa
pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino sa iba’t-ibang sektor.
2. Naiuugnay ang suliranin sa sektor ng
paggawa sa antas ng pamumuhay ng tao.
3. Nabibigyang halaga ang iba’t-ibang sektor
sa pamamagitan ng sanaysay.
II.
Paksang Aralin
A. Paksa : Mga
Isyu sa Paggawa
B. Sanggunian :
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
C. Mga Materyales:
1.
Kagamitang biswal
III.
Pamamaraan
GAWAIN
NG GURO
|
GAWAIN
NG MAG-AARAL
|
A.
Paghahanda
|
|
Magandang
araw sa inyong lahat!
Tumayo
ang lahat at tayo ay manalangin.
|
Magandang araw din po!
|
1. Pagtatala ng Liban
|
|
2. Pagbabalik-aral
|
|
Para
sa pagpapatuloy ng ating paksa, atin munang balikan ang ating tinalakay
kahapon. Ito ay tungkol sa ?
Tama!
Ano ang masasabi mo ukol rito?
Magaling!
ilan lamang yan sa mga hamong nararanasan ng bawat mangggawa sa iba’t-ibang
panig ng mundo.
|
Ito
po ay tungkol sa mga Isyu sa Paggawa.
May
mga suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, at kawalan ng
seguridad sa pinapasukang kompanya dahil sa kontrakwalisasyon at ang problema
sa Job Mismatch.
|
3. Motibasyon
|
|
Pagbuo
ng mag-aaral ng mga puzzle batay sa paksa upang makalikha ng isang larawan.
|
|
B. Pagtatalakay
|
|
Sa
pagpapatuloy ng ating aralin batay sa
mga Isyu sa Paggawa, ating tatalakayin ang iba’t-ibaang sektor na may
kinalaman rito.
Unang
sektor ay ang sektor ng agrikultura. Ano ba ang sektor na ito?
Mahusay!
Ang sektor ng agrikultura ang isa sa mga nagbibigay sa atin ng mga materyales
na sa paggawa ng produkto na tutugon sa ating pang-araw-araw na
pangangailangan.
Sa
pagkakaroon ng globalisasyon, nagdulot ito ng pagkakaroon ng mga dayuhang
produkto na dahilan kung bakit humina ang mga lokal na produkto. Lubusang
naapektuhan ang lokal na pagsasaka dahil mas murang naibebenta ang produkto
kaysa dayuhan. Ano sa tingin ninyo ang dahilan nito?
Ang
pagpasok ng bansa sa mga kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WB at iba pang
pandaigdigang institusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga lokal na
magsasaka. Ayon sa DOLE, mahigit 60 % ng mga dayuhang produktong agrikultural
sa loob ng sampung taon ay malayang nagiging bahagi sa mga lokal na
pamilihan. Bakit kaya ito nagaganap?
Magaling!
Ngayon dumako naman tayo sa susunod na sektor. Ang sektor ng Industriya. Ano
nga ba ang sektor na ito?
Tama!
sa setor ng industriya nakapaloob ang mga kasanayang kinakailangan sa
paggamit ng iba’t-ibang makinarya upang mas mapabilis ang paggawa. Rito ay
kinakailangan ang mga pamantayang may kinalaman sa pangkasanayan at kakayahan
na naaayon sa kanilang mga pamantayan. Kaakibat nito ang mga anyo ng
pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok
sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad at kawalan ng
seguridad ng mga manggagawa.
Ang
ikatlong sektor ay ang sektor ng serbisyo. Paano mo ito mabibigyang
kahulugan?
Ang
sektor na ito ang masasabi nating may malaking bahagdan na maraming
naempleyong manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung taon. Saklaw ng sektor
na ito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at
pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libingan, medical,
turismo at edukasyon. Sa inyong palagay, ano ang kahalagahan ng sektor na
ito?
Mahusay!
Ayon sa datos ng National Economic Development Authority o NEDA, kailangan ng
pamahalaan na paglaanan ito ng higit na prayoridad sa pagpapalago ng sektor
sa pamamagitan ng patuloy na pang-eengganyo sa mga dayuhang kompanya na
magpasok ng mga negosyo sa bansa .
|
Sa
sektor na agrikultura po natin kukuha ang mga hilaw na materyales na ating
kakailanganin sa paggawa ng mga produkto.
Isa
pong kadahilanan ay ang pagtangkilik ng kapwa natin Pilipino sa mga
produktong dayuhan kaysa lokal. Naniniwala po kasi ang iba na mas may kalidad
ang dayuhang produkto kaysa lokal na produkto.
Isa
po sa dahilan nito ay ang hayag na pagtangkilik sa dayuhang produkto na nagreresulta
sa pagkalugi ng mga lokal na produkto sa pamilihan. Nakakalimutan na po ng
iba na mayroon din tayong lokal na produkto na dapat bilhin at tangkilikin.
Sa
sektor naman po ng industriya nagkakaroon ng pagpoproseso ng mga hilaw na
materyales patungo sa bagong produkto. Kalimitan po ay dito nakapaloob ang
pagggamit ng mga makinarya.
Ang
sektor po ng serbisyo ay nakabatay sa bawat manggagawa na nagtatrabaho sa
iba’t-ibang larangan. Sila po ang tinatawag nating lakas paggawa.
Mahalaga
po ang sektor na ito sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na
makakarating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa.
|
C.
Paglalagum
1. Ano
ang kalagayan ng manggagawang Pilipino sa iba’t-ibang sektor?
2. Paano mo maiuugnay ang suliranin sa sektor
ng paggawa sa antas ng pamumuhay ng tao?
3.
Paano mo bibigyang tugon ang mga suliranin ng manggagawa ?
IV.
Pagtataya
Gumawa ng isang sanaysay kung paano mo
mabibigyan ng tugon ang mga suliraning kinakaharap ng manggagawa at kung ano
ang naitutulong ng iba’t-ibang sektor.
V.
Kasunduan
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Iskemang Subcontracting
2. Unemployment
3. Underemployment
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
10
IKATLONG ARAW
I.
Layunin
Sa
pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang kahulugan ng iskemang
subcontracting, unemployment at underemployment.
2. Naiisa-isa ang mga epekto ng
kontraktwalisasyon sa manggagawa.
3. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng
pagbangon ng mga manggagawa.
II.
Paksang Aralin
A. Paksa : Mga Isyu sa Paggawa
B. Sanggunian : Kontemporaryong
Isyu at Hamong Panlipunan
C. Mga Materyales: 1. Kagamitang biswal
2. Laptop
3. Projector
III.
Pamamaraan
GAWAIN
NG GURO
|
GAWAIN
NG MAG-AARAL
|
A.
Paghahanda
|
|
Magandang
araw sa inyong lahat!
Tumayo
ang lahat at tayo ay manalangin.
|
Magandang araw din po!
|
1. Pagtatala ng Liban
|
|
2. Pagbabalik-aral
|
|
Para
sa pagpapatuloy ng ating paksa, atin munang balikan ang ating tinalakay
kahapon. Ito ay tungkol sa ?
Magaling!
Paano mo mabibigyang kahulugan an gating tinalakay noong nakaraan?
|
Ito
po ay tungkol sa iba’t-ibang sektor na may kinalaman sa paggawa.
Mayroon
pong tatlong sektor na nakatutulong sa bawat manggawa. At ito po ay ang
Sektor ng Agrikultura, Sektor ng
Industriya at sektor ng Serbisyo. Sila po ay nagtutulungan upang mabigyang
pansin ang mga isyung kinakaharap ng bawat manggagawa sa iba’t-ibang
larangan.
|
B. Pagtatalakay
|
|
Sa
pagpapatuloy ng ating aralin batay sa
mga Isyu sa Paggawa, ating tatalakayin ang iba pang konseptong may kinalaman
sa isyu ng paggawa. Una ay ang Iskemang subcontracting. Ating bigyang
kahulugan kung ano nga ba ito batay sa inyo takdang aralin?
Magaling!
Ito ay pagkakaroon ng kontrata na gagawin sa takdang panahon. Ang iskemang
ito ay nahahati sa dalawa: Ang Labor-only Contracting at Job Contracting. Ang
Labor-Only contracting ay ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang
gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain sa kompanya. Samantalang ang Job
Contracting ay ang pagkakaroon ng sapat na puhunan ng subcontractor para
maisagawa ang trabaho. Paano mo bibigyang kahulugan ang kanilang pagkakaiba?
Mahusay!
Ngayon naman ay ating pag-aralan ang konsepto ng Unemployment at
Underemployment. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, sa puwersa
sa paggawa na 63.4 milyon, 2.7 milyon ang walang trabaho at nasa 7.4 milyon
ang underemployed. Paano mo bibigyang kahulugan ang datos na ito?
Magaling!
Masasabi nating tama ang iyong hinuha ngunit kahit na ganoon, marami pa rin
sa atin ang nagiging OFW. Mabilis na lumalaki ang bilang ng Pilipinong
nangingibang bayan para magtrabaho. Ano ang ibig sabihin nito?
Isa
pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa ay ang paglaki ng bilang ng job mismatch.
Sa inyong palagay, bakit nagkakaroon ng ganitong sitwasyon?
Tama!
Ayon pa rin sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa, tinataya na aabot sa
1.2 milyon na college at vocation graduates ang mahihirapan sa pagkuha ng
trabaho dahil sa patuloy na mismatch.
Bukod
pa rito, marami pa ring ibang problema ang kinakaharap ng mga manggagawang
Pilipino katulad na lamang ng self-employed o ang tinatawag na vulnerable
employment.
Hindi
rin maikukubli na marami ang mga estudyanteng aktuwal ng nagtatrabaho. Kilala
mo ba sila?
Magaling!
Mayroon din taayong mga tinatawag na full-time mother. Ano nga ba ang
kanilang ginagawa?
Tama!
Ang kanilang mga kalagayan ay halos walang pinagkaiba sa tinatawag na unpaid
family . Pinapahiwatig ng Labor Force Survey ng PSA, ang underemployment sa
bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon. Sa kasalukuyan, binago ang tawag sa
mga manggagawa na nangangailangan ng karagdagang oras sa pagtratrabaho bilang
mga homebase entrepreneurship, small business, at project contract.
Ang
tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na
pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.
|
Ang
Iskemang Subcontracting po ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawakung saan ang
kumpanyaay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
Nagkakaiba
lamang po ang Labor-Only at Job Contracting sa pagkakaroon nila ng puhunan
upang maisagawa ang trabaho o serbisyo.
Batay
sa datos, masasabi po natin na hindi pa naman ganon kalaki ang datos ng mga unemployed
at underemployed. Masasabi po natin na mataas pa rin ang porsiyento ng mga
nasa employed.
Dahil
po sa kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho. Ito po ang naiisip
nilang solusyon upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Nagkakaroon
po ng Job-mismatch dahil minsan ay hindi nakakasabay ang mga college graduate
sa kinakailangang kasanayan at kakayahan na requirement ng mga kompanya ng
bansa.
Sila
po ang mga working student na nagtratrabaaho habang nag-aaral upang matugunan
ang kanilang pangangailangan habang nag-aaral pa.
Sila
naman po ang gumaganap sa lahat ng mga gawaing bahay tulad ng paglalaba,
paglilinis, pagluluto at iba pa.
|
C.
Paglalagum
1. Sa sariling salita, paano mo bibigyang
kahulugan ang iskemang
subcontracting, unemployment at underemployment?
2. Paano mo maipaliliwanag ang mga epekto ng
kontraktwalisasyon sa manggagawa?
3. Bakit nagkakaroon ng pagkakaiba sa
larangan ng paggawa?
V.
Kasunduan
1.
Maghanda para sa maikling pagsusulit ukol sa paksang tinalakay.
2.
Magsaliksik : Migrasyon.
What do you mean sa unang araw
ReplyDelete"Sa inyong palagay, makatutulong ba ito na makaangkop ang Pilipino sa Globally standard ?"
anong ibig sabihin sa "Ito"?
pls reply asap
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete